Argh.Nung isang araw pa sira,di katiwa-tiwala, parang nagloloko ang inidoro sa 2nd floor ng bahay namen.actually di ko sya malalaman kung di ko pa naunang nakita ang naka-dikit na warning na nilagay ng tita ko sa may pinto ng banyo.DO NOT USE THE (TOILET) BOWLbaket anong meron?sabi ng lola ko,nahulog daw nung pinsan ko (bale yung anak ni tita ok) yung takip ng toilet/bathroom cleaner (pabilog yung shape nun) sa inidoro ng hindi sinasadya.Kaya mabagal magflush malamang bumara na yun sa mga tubo ng inidoro.Ah,ok sige.in short kung tinatawag ka ng kalikasan o me gustong lumabas na something mula sa katawan mo eh yung bathroom sa 1st floor ng bahay ang gamitin mo.okay.
So eto na ang nangyari. Nafeefeel kong me gusto ngang lumabas na “something” sa katawan ko,kaya pagkakain ng lunch kanina eh punta agad ako sa banyo,shempre dun sa baba,sira nga yung sa taas dba.tatanggalin ko na dapat yung kung ano man ang dapat aalisin bago gawin ang nasabing ritwal,pero bigla akong napatingin dun sa shower,at voila! anong nakita ko??? ano pa nga ba.e di yung bespren ko.isang malaking ispayder-man!!!
Letse.unang ginawa ko,nagpakawala muna ko ng isang malakas at matinis na sigaw ng pandidiri at panriRIMarim (nyahaha),sabay madaliang pag-ayos sa mga bagay na dapat eh tatanggalin ko para masimulan na ang dapat gagawing ritwal.sabay labas ng banyo,unang tinawag ang lolo ko (na nakahiga sa salas at nagbabasa ng dyaryo).“Loloness pakialis naman yung ispaydi sa loob ng banyo!!!” at eto ang kanyang reply “Hayaan mo na aanhin ka ba nyan,kung gusto mo talagang maalis tumawag ka ng pulis at ipabaril mo yang ispaydi na yan.” Nice one Lolo. The best ka talaga (%&#*$&!) . Sumunod naman na tinawag ko eh si Lola (na nasa kwarto sa may tabi ng banyo,nanonood ng tv). “Lolaness pakialis naman yung ispaydi sa loob ng banyo!!!” , ayun buti pa si Lola, isang salita mo lamang ay gagaling na ako.este, tinulungan nya agad ako.kumuha ng isang stick na may matalas na panundot sa dulo (ewan kung san nila yun ginagamit) sabay itinarak ke ispaydi at kinaladkad hanggang labas ng bahay.actually di ko nakita yung buong pangyayari,nakita ko na lang naka-curl yung ispaydi sa labas,katabi ng mga alaga kong pusa na kumakain ng lunch nila.(kinakain ba ng pusa ang mga gagamba?)
So tumuloy na uli ako sa loob ng banyo.Eto pa uli! Yung isang paa/tentacle/limb ni ispaydi eh natanggal yata dahil sa pakaladkad na asal ni lolaness sa kawawang nilalang.so inalis nya uli (gamit ang pointed stick).actually hindi nya nilabas.andun lang sa may tabi ng pinto ng banyo.Pwede na rin yun siguro.di ko na lang titingnan.
Worried pa rin ako nung pumasok (hay sa wakas!) uli sa banyo.baka kasi biglang mabuhay at mag-regenerate yung limb na yun ni ispaydi e, at sapilitan akong i-flush sa inidoro.arghhhh!daig pa horror films ng kasalukuyang henerasyon.awa ng nasa Taas eh successful at peaceful ang ritwal na ginawa ko.Pero hanep.Sira na rin yata ang flush nung banyo sa baba.Ayaw magflush totally.Letse.tinimba ko pa tuloy.timba method.Hanep talaga.
Malakas ang feeling ko na maisasama na din sa pagpapagawa ng banyo sa 2nd floor ang banyo sa 1st floor.
At si ispaydi, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa (kung meron man). Malas lang sya. Iba talaga tama ng mga taong may arachnophobia.

Violet Reaksyon!