Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

-yehey! welcome daw.harhar.actually 1st time ko tong gumawa ng blog.para saken, ang blog ay parang public diary.nababasa ng lahat ang mga kalokohan at kahunghangan na pinaggagagawa mo,shempre depende ito sa kung ikinukwento mo nga sa madla ang mga gawain mo sa buhay.hehehe.

naisip ko tuloy, ngayong meron na kong blog, ano kaya ang ilalagay ko dito?ay,di pa pala ko nagpapakilala sa mga giliw at matiyaga kong mambabasa kung meron man.lemme introduce myself muna.

 ako po si rimadefon, sa mga adik sa anime (*ubo,mirmo de pon,ubo*),alam nyo na kung san ko nakuha ang pangalan na yan.okay rewind ng konti.

 Nung unang panahon,nahikayat ako ng aking mahal at bopols na kaklase na magtry ng online games.oo,yung mga dota etc. Eto yung tinatawag nilang RAN online.Hehe so nagpahikayat naman ako (di pa kasi ko sumusubok nun ng kahit anong ol games,pang playstation pa lang ako nun). Shempre registration ek-ek, pinag-isip pa tuloy ako ng gagamiting username sa game.Okay esep-esep muna.Hanggang sa naisip ko si rima de pon,e di nilagay ko na yun.rimadepon.engk.username not available daw (ows).esep ule.rimadephon.ayaw pa rin ng letseng tanggapin. so ginawa ko na lang F ung P para naman may originality kahit pano. rimadefon.tenenenen-tenen! harhar. voila! may name na ang shaman ko.wee. (o nga pala saka ko na lang ikukuwento yung mga related na events dito sa buhay-RAN at buhay-adik ko.stay tuned.XD)

 So ayun nga, magmula noon, halos lahat ng transaksyon,komunikasyon at kunsumisyon na ginagawa ko dito sa internet eh yung username na yun na ang ginagamit ko.bawal kasi magka-memory gap at baka maganun pa ko pag sandamukal na userID pa ang pinaggagamit ko.hehehe.